mga kwentong inuman

Saturday, February 16, 2008

FIRST DAY OF CLASSES and JUN LOZADA

ABA'Y DINAPUAN AKO NG KATANGAHAN.

First day of classes ko dati at humingi ang prof ng 3x5 index card. Pustahan tayo, nakalagay doon ang age, bday, name, nickname, address, contact number at ang BWAKANANGINANG expectations sa teacher sa class.


Akala ko ay gagawin niya itong database, kaya't buong yabang kong sinubmit ang aking NEON PINK na index card. Aba'y iyon pala ang gagamitin niyang pantawag sa recitation. Sa buong sem na magtatawag siya ng random graded recitation, pangalan ko ang lagi niyang nabubunot.

Sabi niya sakin after ng sem, PROF: Kahit anong balasa ko kasi sa mga index cards niyo, tempting sobra iyong index card mo. SCREAMING PINK e.



--------
Para pasimplihen ang kasalukuyang NBN SCANDAL

Estudyanteng walang libro: WALA AKONG LIBRO!
Prof ZTE at Prof. ABALOS: MERON AKONG INTERNET! BILHIN MO ng $1000. este.. $2000.

Saturday, July 14, 2007

MGA DAPAT GAWIN PARA MAGPAKABATA. ISIP BATA. IMMATURE. ATBPA.

  1. Kapag nakakita ng kakilala. Biglang Magmano.
  2. Lagyan ng Stamp ng Star ang kamay tapos ipagmalaki at sabihing bigay ni Teacher Tess.
  3. Kapag pauwi na..
    1. Uwi na ako, kailangan ko pa aralin ang Go foods, Glow foods at Grow Foods para bukas.
    2. Uwi na ako, andiyan na si Manong schoolbus.
  4. Kapag nagbabasketball lagyan ng bimpo ang likod.
  5. Tawanan ng malakas ang lahat ng taong nadadapa.
  6. Mandapa.
  7. Tawaging Kuya at Ate ang lahat ng makita.
  8. Bago magsalita. Raise your hand. Dapat kumpleto. Nakataas ang kanang kamay. Nakasuporta ang kaliwa.
  9. Kapag kakain sa labas:
    1. Magdala ng powder na Nido at Milo. Ilagay sa taas ng kanin. Kainin.
  10. Kapag napunta sa sitwasyon na kailangan magcompute. Gamitin ang daliri at gumamit ng mansanas.

Example.

Lasing1. Pare 225 ang bill. Tig-magkano tayong dalawa?

Lasing2. Dalawandaan at dalawamput limang mansanas. Ibibigay ko sa iyo ang kahati? Hmmm… (Gawin with matching pagbibilang ng daliri)

  1. Kapag nakakita ng drinking fountain. Takpan ang butas at subukan patamaan ang ibang tao o kaya ay pataasin ang tubig na tumatalsik. Wahehehe
  2. Ikwento palagi na maganda si Teacher Tess kahit hindi maka-relate ang mga kausap mo.

Tuesday, February 20, 2007

Ang Kauna-unahang Taong Sinapak Ko!

Nung grade 1 ako ay may kaaway ako sa klasrum na sipsip at may Crab Mentality. Ako kasi iyong top 1 at favorite ako ng teacher kahit hindi ako sumisipsip. Kaso, isang araw na-late ako at iyong kaaway ko na itago na lang natin sa pangalang Edgar P. Torres.. Pakyu ka! Pangalan mo pa lang drayber na drayber na...

Anyways, Going back… nautusan ng teacher na habang wala siya ay magsulat ng NOISY BOYS si Edgar (Muka kang paa! Sorry last na.). Syempre dahil magkaaway kami, tiniyak kong hindi ako mag-iingay kundi ay isusulat niya ako sa NOISY BOYS.

Nang biglang may humiram sa akin ng mongol number 1.. Anak ng p*ta, pagtingin ko sa blackboard nakasulat na ako sa NOISY BOYS. Nagreklamo ako sa kanya pero nilagyan niya ako ng dalawang guhit sa tabi ng pangalan ko. WAW. Second offense daw.

Pagtayo ko para magreklamo sinulat naman ako sa STANDING.

Wala na akong magawa kundi tumahimik na lang at umasa na buburahin niya ang mga naisulat niya sa blackboard tungkol sa akin. Tumigil na lang ako sa pagkulay ng aking Lion King coloring book at tumunganga na lang at tumitig sa sariling mesa.

Pagkatapos ng ilang minuto tiningnan ko ulit ang blackboard para makita kung binura na niya ako sa listahan ng NOISY BOYS at STANDING.

Aba naman. Ginawan niya ako ng bagong category.


SLEEPING


BOYET DOMINADOR



----------
At simula noon ay namemorize ko na ang kwarto ng principal. BAW.

Wednesday, February 07, 2007

AAAAAAAAAAAAA Writer's Block

Mga magandang ihirit sa kaibigan mo sa loob ng elevator na may lamang ibang tao.

  1. Kamusta na? Iba na talaga kapag may-ari ng hacienda ng marijuana.
  2. Magshoshoplifting na naman tayo?
  3. Maganda na dito sa elevator. Lalo ka lang matatae kapag naghagdanan ka pa.
  4. 3 araw pa lang ah? Diba nakapalda ka pa rin dapat ngayon?
  5. Sabihen mo na sa akin iyong password pag aabutan kita mamaya ng tabo sa CR.
  6. Teka! Bakit ka andito? May temporary restraining order ako sa iyo a.
  7. Nadeliver mo na ba iyong mga epektos?
  8. Bakit lahat ng mga lumalabas na tao binabackstab mo?

Wednesday, January 03, 2007

Walang Magawa

Nangyari na ba sa iyo na magkakasama kayong mga kaibigan. Lahat walang pera. Walang pang-inom. Walang Babae. Walang Kotse.

WALANG MAGAWA!

Nag-isip isip na lamang ang barkada at nandito ang mga bwakananginang mga suhestiyon.

  1. Subukang patayin ang sarili sa pagpigil ng hininga.
  2. Mag-abang sa kanto ng nag-de-deliver na motorsiklo. Gulpihin ang driver. Kunin ang pizza, mineral water, happy meal o kung anuman na dala nito.
  3. Kumuha ng dalawang asong kalye. Pilitin silang magtalik. Lalaki man parehas.
  4. Magpaka-isip bata. Magring ng doorbell ng kapetbahay at tumakbo.
  5. Makipagflirt sa mga bakla sa labas ng subdivision. Perahan sila.
  6. hanapin ang sexual organ ng lalaking manok.
Wala kaming ginawa sa taas maliban sa sinubukan naming patayin ang sarili sa pagpigil ng hininga which is physically impossible.

Sunday, December 24, 2006

Para Sa Namimiss Kong Katulong Namin Ngayong Pasko

Confirmed na po. Ang katulong namin ang pinakamatalinong katulong sa buong mundo.

BOYET: Melba importante na gisingin mo ako mamayang alas-5 ng umaga.

MELBA [tumango lang]

BOYET: Melba alas-5 ng umaga! Wag mong kakaligtaan at madedelikado sweldo mo.

MELBA: Oo na. Oo na.

Alas-12 na ng tanghali. Nagising din ako sa init ng kwarto ko. Bumaba ako kaagad at tuwang tuwa akong nakitang nanonood ng Wowowee si Melba.

BOYET: Melba!!! Bakit hindi mo ako ginising?

MELBA: Tulog ka e. Baka magalit ka sakin pag ginising kita.


-------

[enter Mike Enriquez]

Katulong chinop-chop ng Amo.

Nagdilim ang paningin ng suspek na si Boyet Dominador ng nakasagutan ang kanyang katulong na si Melba Borreros, edad 25. Palalampasin na sana ng suspek ang mga pagkukulang ng katulong ng biglang tinakpan ng katulong ang kanyang sariling mga tenga, nilakasan ang volume ng TV, at nangungutyang kumanta mag-isa ng malakas.

BOOM TARAT TARAT.

TARARAT TARARAT

BOOM BOOM BOOM.

Kasalukuyang pinapadala na sa Romblon ang mga labi ni Melba as of realtime.

Friday, December 22, 2006

Sa Kalalaki Kong Tao, Kahit Ako Naiyak Dito

Ito ang pinakamagandang salin sa pinakamalungkot na tulang naisulat. Basahin ng mabuti. Lagyan ng malungkot na background music.


Ngayong Gabi Aking Isusulat . . .
ni Pablo Neruda (salin ni Maximo Macaraig)

Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula


Isulat halimbawa, "Ang gabi'y pira-piraso
at ang mga bituin ay nilalamig sa malayo."

Umiikot ang hangin sa langit . . . at umaawit

Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Minahal ko siya, at minsan minahal niya rin ako

Sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig
At hinalikan ng paulit-ulit sa ilalim ng walang-hanggang langit

Minahal niya ako, at minsan minahal ko rin siya
Paanong hindi mo iibigin ang mga tila niyang mata

Ngayong gabi isusulat ko ang pinakamalungkot na tula
Para isiping wala na siya sa aking piling, para maramdamang wala na siya

Para marining ang matinding liwanag, na mas matindi pa kahit wala siya
At ang mga berso'y nahuhulog sa damdamin na parang hamog sa damuhan

Ano ang dahilan at ang pag-ibig ko'y di sya kayang pigilan?
Ang gabi'y pira-piraso at wala siya sa tabi ko

Ito lamang. Sa malayo may umaawit. Sa malayo.
Ang damdamin ko'y di mapalagay na siya'y nawala na.

Ang paningin ko'y hinahanap siya na parang tutungo sa kanya
Ang puso ko'y hinahanap siya, at siya'y di ko kasama

Ang dating gabing nagliliwanag, ang dating puno
Kami, noong mga araw, ay hindi na ang dating kami


Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit kung paanong minahal ko siya!
Hanap ng aking tinig ang hangin upang madampi sa kanyang panrinig

Sa iba. Siya'y mapupunta sa iba. Tulad ng aking mga halik
Ang kanyang tinig, maaliwalas na katawan, malalim na mata

Hindi ko na siya mahal, tiyak yan. Ngunit baka mahal ko siya
Maikli ang pag-iibigan, mas matagal ang paglimot

At ito ang mga huling bersong isusulat ko para sa kanya
Dahil sa mga gabing tulad nito, hinawakan ko siya saking mga bisig

Ang damdamin ko'y di mapalagay na siya'y nawala na.

Kahit na ito ang huling sakit na idudulot niya sa akin




############
PUTANGINA ANLUPET!

Indi ko nakuhang umiyak sa klase... Ayan na lamang ang naluluha kong buntung hininga pagkatapos basahin ito ng guro ko sa pilosopiya. Balak ko pa sanang manguna sa paghirit ng ThAT'S SO GAY!

Ispanyol talaga ang orihinal na bersyon ng tulang ito ni Pablo Neruda. At ito ang pinakamalupit na salin na aking natagpuan. Palakpakan si G. Maximo Macaraig, maging sino ka man.